
naabutan ko pa yung homily... sakto! nakakatuwa ang tabas ng dila ni father... matalim.. nakakatakot.. pero totoo...
una..
sabi niya.. mukhang nasa Quiapo or Baclaran daw kami.. nagtaka ang mga tao kung ano ibig niyang sabihin... sabi ni father "PARA KASI TAYONG NASA PALENGKE.. SIKSIKAN... NAKAHARANG ANG MGA PANINDA AT MGA TINDERA.... WAG KAYONG BIBILI SA KANILA KASI KUNG ALAM NILANG MALI ANG GINAGAWA NILA BABALIK SILA SA TAMANG PWESTO KUNG SAN NARARAPAT MAGTINDA"... hahaha sa lakas ng mga speaker na nakapaligid sa simbahan.. sapul lahat ng dapat tamaan.. wawa naman...
well.... tama naman may tamang pwesto sa pagtitinda, hindi bawal pero mas maganda ang sumunod sa ikaaayos ng lugar.
pangalawa..
ang linggo daw na ito ay selebrasyon ng pagakyat ni Hesus sa Langit.. hayun...
inihalintulad niya ito sa maraming bagay.... tulad ng pagsakay niya sa ferry's wheel sa enchanted kingdom... "HABANG TUMATAAS.. LUMILIIT ANG MGA TAO SA BABA.. PERO LUMALAWAK ANG NAKIKITA..."
halimbawa na lang daw kung napromote ang mga magulang mo.. mas marami silang gagawin.. meeting dun meeting dito.. alis doon alis dito...magkikita na lang kayo tuwing umaga sa almusal.. masaya ba yun?.. oo dagdag na kita sa pamilya, mabibili nila ang halos lahat na gustuhin ninyo pero nasan naman sila.. isa din itong dahilan ng pagkasira ng pamilya...
isa pang halimbawa ay ang usong usong issue ngayon.. ang eleksyon....
habang nangangampanya daw ang mga kandidato.. alam na alam nila ang mga problema ng bayan kahit sa pinakamaliit na detalye... meron daw na sumasali sa kahit anong fun run, nagtatanim at tumatapak sa putikan ng bukirin, nagtatanggal ng posas na sila din naman ang may sala, nakikiligo sa dagat ng basura at kung ano ano pa.. pero ang tanong ni father.. paano na ngayon?.... saan sila maguumpisa?... at sa senado daw bakit puros artista pero may nagawa nga ba?.. oo!!.. yun nga lang puros pelikula!... hahahahah... umingay sa paligid, tumawa ang nakararami.. (natawa siguro sila dahil isa sila sa mga tangang bumoto sa mga yun)
kakaiba si father buti walang nagsimbang pulitiko dun kundi.. baka mag-walkout...
pangatlo...
bago matapos ang misa.. may pabaon pa si father...
tingnan daw namin ang aming mga bulsa, bag at mga kasamang bata.. baka may nawawala.. baka may kulang... huwag daw magtiwala na kahit na simbahan iyon ay marami pa din na masasamang nakapaligid... mga hustler, mga walang takot, mga walang alam na tama.. mga magnanakaw.
ibang iba daw talaga ang ibang mga pinoy.. wala ng sinasantong lugar.. wala ng sinasantong batas..
pagkatapos ng humigit kumulang na isang oras.. natapos din ang misa... natapos din ang sermon..
kakaiba si father.... sa tigas ba naman ng ulo ng nakararaming pilipino dapat ganun ang banat para bulls eye... hehehe ang galing...
No comments:
Post a Comment