Friday, May 14, 2010

hindi na natuto....


Likas sa ating mga pilipino ang magreklamo, pumuna at pumansin ng mga bagay na hindi natin gusto… mga bagay na labag sa alam nating tama…..

Ang sabi ng nakararami ang ating lahi ay magagaling, masisipag, matatalino at may ibubuga sa anumang larangan pero ang tanong nagamit ba natin ito sa nagdaang eleksyon? Kahit hindi pa tapos ang bilangan ng boto at paglalatag ng mga tatao sa ating gobyerno ipinapakita na ang katigasan ng ulo ng mga mamamayan…. Hindi na natuto….

Malamang ay alam na natin ang nangyari noong taon ng panunungkulan ni former president joseph estrada.. nauso ang impeachment maraming sumang-ayon, marami ang sumigaw, marami ang nagsabing NAGNAKAW SYA SA KABAN NG ATING BAYAN… at nararapat na sya ay parusahan..

Sa ngayon hindi pa opisyal ang bilang ng boto sa pagkapresidente ay nakakuha na siya ng humigit 8 million na boto.. pumapangalawa sa mas gusto ng taong bayan. Pero bakit? Anong meron? Ang pagiging presidente ng ating bansa ay hindi paghihiganti sa lumang administrasyon dahil ikaw ay pinaalis at pinagtulungan para bumaba sa iyong pwesto. Ang humigit sa walong milyon na pilipino bang ito ay hindi nabigyan ng tamang impormasyon sa naging rason ng kanyang pagbagsak o di kaya’y ang humigit walong milyon na pilipinong ito ay kanyang mga natulungan at tumatanaw lamang ng utang na loob.

Hindi ba nila naisip na paano ang ating bansa kung siya pa rin ang nanalo?... kung siya pa rin ang uupo? NAKAKAHIYA… kung iyong iisipin, KAKALAT ang balitang hindi na tayo nagsawa sa paghihirap AT MASISIRA ang ating kredibilidad bilang isang nagkukumahog sa pagahon na bansa…. Naisip ba ng mga bumoto sa kanya ang magiging sitwasyon o baka naman hindi lang bukas ang kanilang isipan sa pagbabagong matagal na nilang iniiyak.

Pagdating naman sa mga natatangi nating senador… napa-wow ako… bakit star-studded? Bakit kailangang sikat? Bakit kailangan maganda ang kutis? Napaisip ako.. may STAR AWARDS O GAWAD-URIAN BA SA PAGIGING SENADOR? Ikaw sino ang best actor at best actress mo?
Kakaiba talaga mag-isip ang nakararami nating kapwa pilipino, tumingin sana tayo sa profile ng ating mga iboboto at hindi sa dami ng commercial at pelikulang pinagbidahan ng kandidato.

Iluluklok mo ba sa senado ang isang celebrity na habang senador eh puma-part-time pa bilang artista? Nakakatuwa lang kung iisipin si sen bong revilla gumanap pa na latest panday..

tumatalon, tuma-thumbling, nanliligaw, nagpapakyut sa kaparehang batang aktres, umaarte at lumalaban kay lizardo. At kapag ipapakilala sya sa publiko bilang isang magaling na senador kailangan karugtong nito ang AT ISANG SIKAT NA AKTOR….

Wala akong problema sa kanila possibleng magaling sila at may ibubuga pero BAKA MAY MAS KARAPAT DAPAT SA KANILA…. Karapatan nila ang pagtakbo at pagbibigay ng kanilang mga plataporma, mga gustong palitan at baguhin sa ating gobyerno at nasa mamamayan naman kung sila ay iboboto.

Sana sa mga susunod na taon ay matuto na tayo… Maging mapanuri at responsableng mamamayan hindi lang sa kanilang sarili at sa nakararami.. sana para din SA ATING BAYAN…. Nariyan na ang resulta, sa ayaw man natin o hindi, boto man tayo sa mananalo o hindi.. tayo’y magtulungan na lang para masagutan na ang mga problema ng bayan..
IKAW kung pakiramdam mong kasali ka sa problema ng bayan umpisahan mo ng magbago, makiramdam at tumulong….


HINDI SA IBA MAGSISIMULA ANG PAGBABAGO…. KUNDI SAIYO…

1 comment: