Saturday, June 26, 2010

get lost pervys!!!

Marami na ring pagkakataon na ako’y nakasalamuha ng mga pervert.. pervy na lang ika ni naruto. Ito yung mga taong hindi ko alam kung ano ang nasa isip at bakit gusto ng ano…. Hahaah ano nga ba? At para masaya heto ilalagay ko sa blog ko ang ilan sa aking mga natatandaan na karanasan…

1. Taong 2004 medyo bata bata pa ako sinamahan ko ang pamangkin kong kumuha ng entrance exam sa isang skwelahan sa Pasig. Ayaw magpaiwan at nagpaantay pa, dahil mabobore ako sa loob ng skwelahan.. lumabas ako at nagikot ikot. Sa tapat ng skwelahan may park. Naupo ako at txt txt. Biglang may umupo sa tabi ko, xempre hindi ko pinansin. Nagulat ako bakit parang may dumadampi sa balikat ko, hala naguunat pala ng buto ang katabi ko. Bakit umaga? Bagong gising? Ilang beses nyang inulit.. nagpapapansin pala, tinanong ako kung anong oras na, dahil mabait ako sinabi ko, pero may sumunod pa syang katanungan.. medyo madami – anong ginagawa ko sa park? Sino katext ko? Ilan taon na ako? San ako nakatira?.. at kung pwede ko daw siyang samahan sa bahay nila… aba! Natakot ako. Bakit? Kelangan nya ba ng boy na magpapakain ng aso? Hindi ako tinantanan.. pati cellphone number ko tinatanong at kung gusto ko ng bagong cellphone. Naks! Oo gusto ko pero ayaw ko nang galing sayo. Maya’t maya sabi niya kahit isang gabi lang daw, bigyan nya daw ako ng pera. Hahahah hindi ako uto uto.. bigla akong kumaripas ng takbo sa loob ng skwelahan.

2. 2008 yata ito?, galing trabaho nakapila ako sa pila ng FX sa robinson’s galleria pauwi. Sa unahan ko may mama – matangkad, bilugan, maliit ang mata. Naiinis ako dahil galaw ng galaw ung backpack nya tinatamaan ako sa likuran.. dumistansya naman ako. Pagsakay ng FX umupo sa tapat ko sa bandang likuran at mula pagsakay hanggang sa pag-andar nakatitig sya sa akin, hindi ko alam kung masama ang tingin. Nakakot ako. Baka holdaper kasi wala sa itsura niya na lalaki din ako gusto. Tapos yung tuhod niya dinidikit sa tuhod ko, yung paa niya tinatapakan ako. Natutunaw ako. Nagpanggap akong tulog pero sa kalagayang iyon ako’y nagdarasal na sana siya’y bumaba na. malapit na akong bumaba pero ganun pa din ang sitwasyon ko. Pagbaba mahigpit ang hawak ko sa bag ko at dali dali akong naglakad ng matulin. Hinabol niya ako sabi niya sandali, akala ko may naiwan ako. Kinausap niya ako tinanong kung ano ang pangalan at number ko? Naku hindi ako umimik sabi niya pwede daw ba niya akong maging kaibigan.. hala nangangatog na tuhod ko. Kabastusan man.. muli tumakbo ako papuntang terminal ng tricycle. At hanggang ngayon nakikita ko pa din siya at nagtatago ako.

3. Dahil shifting kami sa office nagkataong 10pm ang uwi ko at dun ako sa megamall sumakay ng FX. Ang galing sa unahan ako at walang katabi makakaidlip ako. Maya’t maya may sasakay may dalang malaking bag – pormang bading na bading, naku sa unahan sumakay. Masikip. Hirap huminga. Hirap gumalaw. Pero nakaidlip pa din ako. Maya’t maya may gumagapang na kamay sa hita at tuhod ko. Naku! Nangatog nanaman ako, hindi kita ng driver kasi tinatakpan ng malaking bag niya. Huhuhu ano gagawin ko ayaw ko ng skandalo? Pinalo ko ang kamay niya! Hindi pa din niya tinanggal. Tumingin pa sa akin, nakakatakot – nang-aakit. Bastos pinalo ko ulit ang kamay niya at pumara ako. Nagkukumahug bumaba at naglakad ng mabilis sabay para ng ibang masasakyan.

4. Isa nanamang karanasan sa fx, Last year lang ito. Pagsakay ng fx umupo ako sa likuran dulo. Maya’t maya may sumakay din.. tumabi sa akin.. ginigitgit ako.. dinidikit ang tuhod sa tuhod ko. Kinikiskis ang braso niya sa braso ko. Aba! Hindi na ito dapat. Gumalaw ako. Hinawakan niya kamay ko at tinakpan niya ng jacket. Inalis ko at inayos ko ang pagkakaupo ko, saktong may bumaba lumipat ako ng upuan, tumititig naman siya. Hindi ko pinansin, naidlip ako. Paggising ko.. hay salamat nakababa na.

5. Eto naman ay sa jeep this year lang. Sumakay akong jeep mula Crossing papuntang Pasig. Medyo maluwag kasi gabi na. pwede nang humilata at mahiga sa luwang. Nakakapagtaka sa luwang ng jeep may bading na nakasandal sa akin.. ahh baka tulog lang. pero yung ulo niya halos idikit na sa mukha ko. Umurong ako. Umurong din siya. Isinandal pa niya braso niya sa hita ko. Naku! Wag dyan may kiliti ako dyan, iniwas ko hita ko. Natakot naman ako sigaw ng para! At takbo palabas.. huhuhuhu nangangatog nanaman tuhod ko.

6. Ito naman ang pinaka-latest, kagabi lang. Sa FX kasabay ko officemate ko pero nauna siyang bumaba, gabi na yun 11pm. Ako na lang tao sa likod, at may isang tao na rin ang naiwan sa gitna. Nakaidlip nanaman ako tapos biglang nagulat ako may pumipisil na sa hita ko at humahawak sa kamay ko.. aba ang haba ng kamay nung tao sa gitna nakaabot sa likuran. Ang laki niyang tao mukha siyang Tibo yun pala bading. Pagtingin ko sa kanya ngumiti pa. yuck! Maniac! Lumayo ako at sumimangot buti na lang bumaba na siya at hindi ako sinabayan sa pagbaba kasi nangangatog na tuhod ko. Parang hindi na ako makalakad ng wasto.

Sa aking mga karanasan ako ay laging ninenerbyos at automatic na nangangatog ang tuhod. Bakit sila ganun? Ano ba ang gusto nila? Bakit duon? At Bakit ako pa?

Sana hindi na ito maulit.. kahit na ako’y sanay na sa mga ganitong stwasyon hindi ko pa din alam ang gagawin ko.

Sana bigla na lang kayong maglaho, pumili kayo ng ibang tao.. please lang wag naman ako!!!! Hinding hindi ko maibibigay ang gusto niyo!!!!

Get lost!!....

Saturday, June 19, 2010

HAPPY HAPPY BIRTHDAY TO ME..

Napakaagang regalo para sa akin ng tadhana ang pagtatanan ng digicam at psp ko na aking iniwan lang sa bookshelf ng room ko.. nakakapanghina.. nakakalanta.. nakakamiss din sila..

Iyak.. iyak.. iyak.. sa dami ng problema ko ngayon sumabay pa sila….

Maraming dumamay… at nagsabing sa bawat nawawala may pumapalit madalas mas maganda pa… o ayan cge pampalubag loob maniniwala ako..

Tulad ng napagusapan sa office magkakaron ng kainan.. inuman.. celebration.. after office kasi birthday ko daw… patak patak… first 1500 ang sakin.. ang sobra sa kanila na.. hahah.. muntik pang maudlot kasi may kasabihan daw na bawal magcelebrate ng kaarawan ng mas maaga.. pero hayun wag na lang daw isipin na birthday ko panlaban sa barang..

Antay.. antay.. antay.. dahil iba iba ang shift namin …

Kaniya kaniyang punta sa Robinson’s Galleria… yung iba may agenda pa daw.. kaya hanap ng makakainan para tipid na sa pulutan. Hehehe.. Naupo kami sa Shakey’s antay kami sa pagdating ng iba.. pagkatapos ng sampung minuto nagsidatingan na sila.. nagulat ako may CAKE…. (na sinolicit nila sa mga tao sa office bente bente na lang!!) may malaking CARD.. ooooowwwwww… nakakatuwa naman… pinaghandaan nila…

Habang kami ay kumakain ayan na ang malakas na tugtog.. HAPPY BIRTHDAY!!!... waaaahhh nakakahiya sobrang puno yung lugar lahat nagulat… lahat napatigil at lahat napatingin sa akin.. hahahahahh bahala na birthday ko eh.. yung mga crew sumasayaw.. kumakanta at binigyan ako ng ice cream na may candle.. make a wish muna bago blow..

Bonus pa. pati yung isang crew pinasulat nila ng dedication sa big card ko, lakas trip talaga.

Pagkatapos ng kahihiyan…

Lakad na sa susunod na destinasyon.. woodfire grill republic sa metrowalk pero pagdating namin maliit, masikip at hindi na kami kasya kaya.. naglakad sa dulo ng parking lot.. madilim.. madamo.. may mga banderitas… paikot ikot… nakaramdam kami ng takot.. yung parang horrror film na may mamamatay.. isa isa.. tawa kami ng tawa habang tumatagaktak ang pawis…

Nang mapagod na kami.. narealize namin wala palang daan… kaya balik ulit… naki-inom sa may free taste na sopisdrink… at naki-agaw taxi gang.. sakay, andar, bayad at baba… ayan eto na… HANG OVER SA HOME DEPOT ORTIGAS.. may rooms… may videoke.. may aircon… malamang may CR din.. pwede??!!..

Pagkaupo sa sala set.. nireklamo ang aircon.. nireklamo dahil walang kaskasan ng card (delayed billing pa naman sana.. sayang).. nireklamo ang mic.. nireklamo ang starting time.. kakaiba talaga mga kasama ko antaba ng utak…

Picture.. picture… ako kasama ang cake, ako kasama ang big card, ako kasama ang naruto stuff na regalo sakin at ako lang… hahaha

Order na at ng makapagwala na.. sigaw. Tawa. Hep hep-horayy. Tawa ulit.

Nagpataasan ng score. Agawan ng mic. Takipan ng tenga. Tapos tawa ulit tawa..

Mula 10:30pm hanggang 3:30am kami nagstay.. at sobrang ligaya nila kasi 64k lang ang hatian.. for the first time hindi umabot ng 100k hahahah..

Pagkatapos nagpaalam na ang karamihan natira kaming lima.. starbucks daw muna para abutin ng umaga. Kwentuhan, Kwentuhan tapos kwentuhan.

5am nakislip-over na sa kaibigan, nakitulog at nakihiram ng unan at kumot.

Kakaiba ang aking naging pagdiriwang – napakasaya, sarap tumawa at sobrang sulit. Hindi ko inaasahan na sila’y maghahanda para sa aking kaarawan…

Muli’t sa muli ako’y nagpapasalamat sa kanilang lahat…

At sa mga nakaalala at nag-wish para sa akin.. bumati sa facebook, sa text, sa tawag at sa personal binuo nyo ang araw ko...

MARAMING MARAMING SALAMAT!....

Sunday, June 6, 2010

Flores de Mayo 2010





Last May 30 and 31, 2010, I and my niece joined the “Flores de Mayo” in Brgy. Caigangan, Buenavista, Marinduque. My elder sister and his husband were the Hermano and Hermana. They sponsored the activities from the start of the month until the end. Every day they have novena and offering of flowers to the Virgin Mary of the parish church.

After 18 years I joined again in this tradition. I enjoyed the procession because all eyes are in us from head to toe. And your job is only to smile.

Below is some information about Flores de Mayo from Wikipedia.

Flores de Mayo is a Catholic festival held in the Philippines in the month of May. It lasts for a month, and is held in honor of the Virgin Mary.

Flores, from the Spanish word for "flowers," also known as Flores de Mayo (Flowers of May), Flores de Maria (flowers of Mary) or alay (offering), may refer to the whole Flower Festival celebrated in the month of May in honor of the Virgin Mary. It was believed that "Flores" (short term for Flores de Mayo) was originated from a historical town of Malolos in the province of Bulacan in 1865, when the young girls made a floral offering to the Virgin Mary in the parish church.

A novena in honor of the Holy Cross precedes the Flores de Mayo or Santacruzan.

It is customary for males attending the Santacruzan wear the traditional Barong Tagalog and that the females wear any Filipiniana-inspired dress.

Friday, June 4, 2010

farewell maureen!



Last month is the last month of Maureen working with us and I believe it’s not easy for her to leave. It’s been 3 years that she worked with the company and now she chooses to take different career.

When we met her we are both trainees that time and she spoke with us sharing her wedding pictures we are wondering because we don’t know her yet…. even her name. As day goes by we get to know her - she’s the one who is willing to wait for us just to have dinner after office, she’s the one who’s on top in sharing secrets and stories and she is the one who is a true friend.

May God bless her for her new journey in life…. We will surely miss everything about her.

Farewell Maureen…

ubp contact center outing 2010

Last May 21-22, 2010 we had our UBP CONTACT CENTER OUTING held at Joseph Private Resort located in Anitpolo City. It’s the first time wherein anyone is invited to join of course it’s not that easy because we are working on a shifting schedule, so those who are not going they are the one to take the shifts.

There are a lot of foods and drinks; the place is so big that it can accommodate more than 80 persons. They also prepared series of games – relay, charades, apple eating, beer drinking, etc. in which everybody enjoyed. I participated in the two games in which we won the first place it was so cool that we are able to communicate to each member of the group and make a performance in just a small period of time --- teamwork!

We also enjoyed the videoke because of its 24 hours service yeah I was able to sing my masterpiece.

I would like to thank our management for making this possible; they were able to make this as enjoyable event as before. We had so much fun…… hope to have this event yearly.