Napakaagang regalo para sa akin ng tadhana ang pagtatanan ng digicam at psp ko na aking iniwan lang sa bookshelf ng room ko.. nakakapanghina.. nakakalanta.. nakakamiss din sila..
Iyak.. iyak.. iyak.. sa dami ng problema ko ngayon sumabay pa sila….
Maraming dumamay… at nagsabing sa bawat nawawala may pumapalit madalas mas maganda pa… o ayan cge pampalubag loob maniniwala ako..
Tulad ng napagusapan sa office magkakaron ng kainan.. inuman.. celebration.. after office kasi birthday ko daw… patak patak… first 1500 ang sakin.. ang sobra sa kanila na.. hahah.. muntik pang maudlot kasi may kasabihan daw na bawal magcelebrate ng kaarawan ng mas maaga.. pero hayun wag na lang daw isipin na birthday ko panlaban sa barang..
Antay.. antay.. antay.. dahil iba iba ang shift namin …
Kaniya kaniyang punta sa Robinson’s Galleria… yung iba may agenda pa daw.. kaya hanap ng makakainan para tipid na sa pulutan. Hehehe.. Naupo kami sa Shakey’s antay kami sa pagdating ng iba.. pagkatapos ng sampung minuto nagsidatingan na sila.. nagulat ako may CAKE…. (na sinolicit nila sa mga tao sa office bente bente na lang!!) may malaking CARD.. ooooowwwwww… nakakatuwa naman… pinaghandaan nila…
Habang kami ay kumakain ayan na ang malakas na tugtog.. HAPPY BIRTHDAY!!!... waaaahhh nakakahiya sobrang puno yung lugar lahat nagulat… lahat napatigil at lahat napatingin sa akin.. hahahahahh bahala na birthday ko eh.. yung mga crew sumasayaw.. kumakanta at binigyan ako ng ice cream na may candle.. make a wish muna bago blow..
Bonus pa. pati yung isang crew pinasulat nila ng dedication sa big card ko, lakas trip talaga.
Pagkatapos ng kahihiyan…
Lakad na sa susunod na destinasyon.. woodfire grill republic sa metrowalk pero pagdating namin maliit, masikip at hindi na kami kasya kaya.. naglakad sa dulo ng parking lot.. madilim.. madamo.. may mga banderitas… paikot ikot… nakaramdam kami ng takot.. yung parang horrror film na may mamamatay.. isa isa.. tawa kami ng tawa habang tumatagaktak ang pawis…
Nang mapagod na kami.. narealize namin wala palang daan… kaya balik ulit… naki-inom sa may free taste na sopisdrink… at naki-agaw taxi gang.. sakay, andar, bayad at baba… ayan eto na… HANG OVER SA HOME DEPOT ORTIGAS.. may rooms… may videoke.. may aircon… malamang may CR din.. pwede??!!..
Pagkaupo sa sala set.. nireklamo ang aircon.. nireklamo dahil walang kaskasan ng card (delayed billing pa naman sana.. sayang).. nireklamo ang mic.. nireklamo ang starting time.. kakaiba talaga mga kasama ko antaba ng utak…
Picture.. picture… ako kasama ang cake, ako kasama ang big card, ako kasama ang naruto stuff na regalo sakin at ako lang… hahaha
Order na at ng makapagwala na.. sigaw. Tawa. Hep hep-horayy. Tawa ulit.
Nagpataasan ng score. Agawan ng mic. Takipan ng tenga. Tapos tawa ulit tawa..
Mula 10:30pm hanggang 3:30am kami nagstay.. at sobrang ligaya nila kasi 64k lang ang hatian.. for the first time hindi umabot ng 100k hahahah..
Pagkatapos nagpaalam na ang karamihan natira kaming lima.. starbucks daw muna para abutin ng umaga. Kwentuhan, Kwentuhan tapos kwentuhan.
5am nakislip-over na sa kaibigan, nakitulog at nakihiram ng unan at kumot.
Kakaiba ang aking naging pagdiriwang – napakasaya, sarap tumawa at sobrang sulit. Hindi ko inaasahan na sila’y maghahanda para sa aking kaarawan…
Muli’t sa muli ako’y nagpapasalamat sa kanilang lahat…
At sa mga nakaalala at nag-wish para sa akin.. bumati sa facebook, sa text, sa tawag at sa personal binuo nyo ang araw ko...
MARAMING MARAMING SALAMAT!....
No comments:
Post a Comment