Saturday, July 17, 2010

My last day in CS


06.18.07 – 07.16.10

Kahapon (July 16, 2010) ay ang aking huling araw sa customer service. Paggising ko pa lang hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot.. mahirap bumangon, may iniisip.. may kakaiba. Pagpasok sa office maraming abala sa pagalis din ng isa naming magaling sa supervisor. Humahanap ng larawan, gunting, pandikit, order ng pagkain, kalap ng ambag… nakakatuwa. Nakakalungkot.

Ito ang aking unang trabaho, unang gawain, unang pamilya sa kumpanya.. tatlong taon at dalawampu’t walong araw ako doon. Maraming nakilala, maraming nabuong relasyon, maraming naging kaibigan.

Maraming pangyayari ang tumatak sa aking isipan maraming kakaiba at nakakatawa. Siguradong mamimiss ko ang shifting schedule pati ang graveyard shift, ang kulitan dun, ang pop-up msgs, ang nauubos na hotcard, pagfill-up ng aaf at ccaf, pag-tatandem, pagkausap sa mababait, makukulit at masusungit na kliyente, pagkanta magisa, ang aking naiwang station 14, ang tanungan, ang bulungan, ang sigawan, ang iyakan, ang asaran at ang pagtawa ng malakas.

Sa aking unang trabaho sobrang dami kong natutunan, nalaman at naranasan. Marami itong naitulong at maiiitulong sa aking pagunlad. At dahil sa mga iyan akong nagpapasalamat sa lahat.. sa tiwala, sa suporta at pagbibigay daan upang akong mas may matutunan at maranasan pa.

Hindi man ganun kalayo ang aking lilipatan, ang aking susunod na pamilya.. alam ko malaki ang magbabago, maiiba ang dati at mas magiging pursigido ako.

Mahirap tanggalin sa sirkulasyon ng bawat tao ang nakasanayan na pero mas makakabuti ang paghanap ng ikakaunlad, pagharap sa mas mahirap na antas at pagabot ng ating mga kagustuhan.

Ang araw na ito ay hindi huli kundi umpisa ng panibagong pagtuklas…

No comments:

Post a Comment